Mga Nilalaman ng SONA ni P-Noy noong 2011

‘Utak wang-wang’

Makailang beses ito sinabi ni PNoy sa kanyang SONA. Ayon sa kanya, sumisimbolo ang ‘wang-wang’ sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno o kaya’y may mga ordinaryong trabaho ngunit hindi nagbabayad ng tamang buwis. Mga anomalyang dehado ang bayan at ang pagwaldas sa kaban ng bansa. Hinirit niyang may 1.7 milyong self-employed at professional tax payers ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Kahirapan

Sinambit ni Pangulong Aquino na bumaba ang porsyento ng mga mahihirap na pamilyang hindi makakain nang kumpleto sa isang araw. Noong Marso, 20.5% ang porsyento ng mga gutom na pamilya, at ngayong Hunyo ay bumaba ito at nasa 15.1 % na lang ito, katumbas ng 1 milyong pamilya.

Stock Market

Ibinida niya ang pitong beses na lumagpas sa all-time high ng stock market, na hindi kapani-kapaniwala sa ilan.

Pantawid Pamilyang Pilipino

Dahil sa malaking pera na natipid, maaari nang sagutan ang 2.3 milyong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.

“Kung walang Corrupt, walang mahirap!” campaign

Patuloy pa rin binibirada ni Aquino ang mga nagkasala sa bayan at nagnakaw sa kaban ng bayan. Pinangako niyang masasampahan na ng kaso ang mga tiwaling opisyal at nagkasala sa lipunan. Magpapatuloy pa rin ang kampanya kontra-katiwalian dahil na rin may sumusubok pang magnakaw. Ang solusyon niya para matapos ang katiwalian ay ang ‘zero-based budgeting’ kung saan hindi muna bibigyan ng pondo ang mga proyekto o ahensya kung wala pa itong final na desisyon.

Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas” 

Halos nasiyahan ang mga dumalo sa SONA nang ipahayag ni PNoy ang capability upgrade at modernization ng Sandatahang Lakas upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa. Sinabi rin niya na naglalayag na papunta sa bansa ang bagong binili na warship ng Philippine Navy sa US Navy na BRP Gregorio del Pilar na poprotekta sa West Philippine Sea at Kalayaan group of islands na kamakailan lang ay naging tensyonado dahil sa agawan ng China, Vietnam at Pilipinas. Handang ipaglaban ng bansa ang karapatan natin sa Spratlys at sa WPS sa International Tribunal for the Law of the Sea.

Pabahay

Ipinahayag rin ni Aquino sa kanyang SONA ang pabahay para sa mga sundalo at kapulisan na may maliliit na sahod. Balak targetin ng administrasyon na simulan na ang pagpapatayo ng mga pabahay sa Visayas at Mindanao para sa Sandatahan.

Pag-aangkat ng bigas

Bumaba ng kalahati ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa, kung noong nakaraang taon ay 1.3 milyong toneladang bigas ang inangkat, ngayon ay 660,000 toneladang bigas na lang ang inaangkat dahil na rin sa epektibong rice productivity.

Anti-Human trafficking

Natanggal na ang Pilipinas sa Tier 2 watchlist ng Trafficking in Persons Report ng United States dahil sa epektibong pagsugpo sa human trafficking na maaaring maging susi upang makakuha ng grant sa Millennium Challenge Corporation.

Trabaho

Ayon sa kanya, bumaba ng 8 na puntos ang unemployment rate ng bansa na noong Abril 2010, pumalo sa 8%. Naibaba nila sa 7.2% katumbas ng 1.4 milyong trabaho ang nalikha. Balak sugpuin o iwasan ng DOLE, CHED, TESDA at DepEd ang job mismatch na kung saan may 50,000 trabaho ang hindi napupunuan ayon sa Philjob.net.

ARMM poll postponement

Ayon sa COA, 80% ng disbursement sa ARMM ang napunta sa cash advance ngunit wala itong pinatunguhan. Habol lamang ng mga opisyales ang susunod na halalan at hindi ang pagserbisyuhan ang kanilang nasasakupan.

Solusyon sa baha

PNoy: Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.

DOST inventions

Ibinida ni Aquino sa kanyang ulat ang mga imbensyong nagawa ng DOST katulad ng mosquito trap na kayang patayin ang mga lamok, landslide sensor kung may nagbabantang pagguho ng lupa at mga kagamitang magbibigay-babala kung tumataas ang lebel ng tubig sa mga ilog. Ibinida rin ang proposal ng monorail system, katuwang ang UP upang matugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon.

PAGCOR coffee expenditure

Halos nagulat at natawa ang mga nakikinig sa SONA ni PNoy nang ipahayag niya ang P 1 bilyong gastos para sa kape ng dating pamunuan ng PAGCOR. Nagbiro pang hanapin ang mga ito at tanungin kung dilat pa ba sila hanggang ngayon.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Inanunsyo na rin ang pag-appoint kay dating Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman at ang unang trabaho nito’y sampahan ng mga kaso ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

 

 

Opinyon namin:

Sa 2011 SONA ni Pnoy, maganda sana ang mga naisip niyang mga solusyon ngunit hindi naman napapatupad o di kaya’y hindi maayos ang pagsasapatupad. Kagaya nang nabanggit niyang pabahay para sa mga sundalo at mga kapulisan na may maliliit na sahod. Nasaan na ang mga pabahay para sa kanila? Bakit may mga pulis at sundalo pa ring naghihirap at naghahanap ap rin nang matitirhan? Isang punto rin ay ang nabanggit niya tungkol sa trabaho. Ayon sa kanya, sa taong 2010 bumaba ang unemployment rate ng ating bansa. Ngunit hanggang ngayon marami pa ring mga Pilipino ang walang trabaho at naghihirap buhayin ang kani-kanilang pamilya. Marami rin ang nangingibang bansa upang kumayod at magkaroon ng pera. Isa pang punto ay ang kanyang “zero-based budgeting.” Malaking pera pa rin galing sa kaban ng bayan ang nawaldas ng mga nakatiwaling opisyal.  Isang punto din ay ang kahirapan. Ayon kay Pnoy, bumaba raw ang porsyento ng pamilyang hindi nakakakain nga tatlong beses isang araw. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, isa pa rin ang kahirapan sa napakalaking problema ng ating bansa.

Sa pangkalahatan ay, hindi masyadong nagamit ang mga solusyong naisip ni P-Noy maganda sana ngunit hindi lang naipatupad o kung naipatupad man ay may malaking kakulangan pa rin sa pagkaepekibo ng mga ito. Kung ang mga solusyong hindi nagawa ay naisapatupad, umuunlad na sana ang ating bansa. Isa  na sana ang ating bansa sa mga “competitive countries” ngayon. Wala na rin sanang mga Pilipinong lumalabas ng bansa upang maghanap ng hanapbuhay at wala na rin sanang maghihirap ng lubos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s